Ano ba Ang pagkakaiba Ng Urban at Rural sa TV Ratings



Maraming nalilito sa iba't ibang ratings sa TV. But basically, 2 lang ang masasabing legit o scientific na pinagkakatiwalaan ng mga advertisers at end-users. Ito ay ang Nielsen at ang Kantar Media.



Ang  Nielsen ay may dalawang ratings, Nationwide Urban TV Measurement   (NUTAM) at ang Phil National TV Measurement (PHINTAM). Ang NUTAM ang saklaw ng survey nila ay Urban areas lang nationwide. Ang PHINTAM ay buong bansa(Urban +Rural. Bakit may NUTAM? Kasi, yan ang preferred ng mga advertisers dahil sa tingin nila mas may purchasing power ang mga tao sa Urban areas kaysa sa rural areas. Kaya ang NUTAM ay hindi puedeng basehan  kung aling programa ang maraming nanonood sa buong bansa dahil limited lang ang coverage nito. Kung gusto mong malaman kung anong programa ang nangunguna sa buong bansa ay PHINTAM ang tingnan mo. 



Ang Kantar Media naman iisa lang ang rating, ang National TV Ratings (Urban+ Rural). Kaya ang equivalent nito ay ang PHINTAM ng  Nielsen. Yan ang dahilan kung bakit magkaiba ang resulta ng  Nielsen NUTAM at Kantar. Sa Nielsen NUTAM palaging nangunguna ang E.A.T. ng TVJ pero sa Kantar palaging It's Showtime ang No1,l magkaiba kasi ang coverage  nila Urban vs Urban+Rural. Pero kung Nielsen PHINTAM at Kantar Media ang ikumpara parehang No1 ang It's Showtime dahil same nationwide (Urban+Rural) ang coverage nila.

Ganun pa man tanong bayan pa Rin Ang magsasabi kung ano Ang nais nila Panoorin.

Follow us for more...


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

It's Showtime Nanguna sa PHILTAM TV ratings

LALA SOTTO DEDMA PAG EAT ANG MAY PROBLEMA!?