"E.A.T.", PINATAWAN NG "NOTICE" NG MTRCB DAHIL SA LANTARANG PAGMUMURA SA LIVE TV
Pinatawan ng "Notice to Appear and Testify" ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang Kapatid noontime show na "E.A.T." dahil sa lantarang pagmumura ng isa sa hosts nito sa national live television. Ito ay nangyari noong August 10 nito nang lantarang nagmura ang isa sa hosts ng programa na si Wally Bayola habang nagsasalita si Jose Manalo sa "Sugod Bahay" segment nila. Bagamat humingi na ng paumanhin ang host kaninang tanghali ng Agosto 11, hindi iyon pinalagpas ng ahensya na pinamumunuan ni Lala Sotto-Antonio. Sa inilabas na pahayag ng MTRCB ngayong araw na ito, lumabag ang E.A.T. sa Section 2 (B), Chapter 4 ng Implementing Rules and Regulations ng Presidential Decree No. 1986. Nakatakda ang hearing hinggil dito sa Lunes, Agosto 14. Ayon pa sa pahayag, ang anumang paglabag sa PD No. 1986 at sa implementing rules at regulations nito kung saan saklaw ang mga pelikula, programa sa telebisyon at mga kaugnay na promotional materials a...