Maraming nalilito sa iba't ibang ratings sa TV. But basically, 2 lang ang masasabing legit o scientific na pinagkakatiwalaan ng mga advertisers at end-users. Ito ay ang Nielsen at ang Kantar Media. Ang Nielsen ay may dalawang ratings, Nationwide Urban TV Measurement (NUTAM) at ang Phil National TV Measurement (PHINTAM). Ang NUTAM ang saklaw ng survey nila ay Urban areas lang nationwide. Ang PHINTAM ay buong bansa(Urban +Rural. Bakit may NUTAM? Kasi, yan ang preferred ng mga advertisers dahil sa tingin nila mas may purchasing power ang mga tao sa Urban areas kaysa sa rural areas. Kaya ang NUTAM ay hindi puedeng basehan kung aling programa ang maraming nanonood sa buong bansa dahil limited lang ang coverage nito. Kung gusto mong malaman kung anong programa ang nangunguna sa buong bansa ay PHINTAM ang tingnan mo. Ang Kantar Media naman iisa lang ang rating, ang National TV Ratings (Urban+ Rural). Kaya ang equivalent nito ay ang PHINTAM ng Nielsen. Yan an...
It's Showtime Nanguna sa TV rating July 2023 Panalo ang ItsShowtime sa Nielsen PHINTAM (Philippines National Television Audience Mesaurement) Urban and Rural Ratings noong July 29! Nakapagtala ito ng 4.2% ayon sa PHINTAM ratings noong July 29, laban sa E.A.T. National Dabarkads Day at Eat Bulaga (TAPE) 44th anniversary, na pawang nakapagtala ng 3.9%. Tugma naman ang ratings figures na naitatala ng Kantar Media Nationwide Ratings sa nilalabas na figures ng PHINTAM. Samakatuwid, sinasalamin nito ang dominansya ng It's Showtime sa E.A.T. (TVJ) at Eat Bulaga (TAPE). Sa pinakahuling ratings figures ng Kantar noong July 3, nakapagtala ng 7.0% ang It's Showtime, laban sa 6.6% ng E.A.T. (TVJ) at 5.9% naman ng Eat Bulaga (TAPE). Sa NUTAM, nangununa naman ang E.A.T. (TVJ) sa 5.0%, habang ang Eat Bulaga ay nasa 4.2% at ang It's Showtime naman ay nasa 3.8%. Visit our Website www.kapamilyabillboadupdate.blogspot.com
Pinatawan ng "Notice to Appear and Testify" ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang Kapatid noontime show na "E.A.T." dahil sa lantarang pagmumura ng isa sa hosts nito sa national live television. Ito ay nangyari noong August 10 nito nang lantarang nagmura ang isa sa hosts ng programa na si Wally Bayola habang nagsasalita si Jose Manalo sa "Sugod Bahay" segment nila. Bagamat humingi na ng paumanhin ang host kaninang tanghali ng Agosto 11, hindi iyon pinalagpas ng ahensya na pinamumunuan ni Lala Sotto-Antonio. Sa inilabas na pahayag ng MTRCB ngayong araw na ito, lumabag ang E.A.T. sa Section 2 (B), Chapter 4 ng Implementing Rules and Regulations ng Presidential Decree No. 1986. Nakatakda ang hearing hinggil dito sa Lunes, Agosto 14. Ayon pa sa pahayag, ang anumang paglabag sa PD No. 1986 at sa implementing rules at regulations nito kung saan saklaw ang mga pelikula, programa sa telebisyon at mga kaugnay na promotional materials a...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento